Monday, July 23, 2007

Klasrum

patuloy ang pakikinig ko sa kanila
may mahihina at sobrang lakas
parang hinahabol ako ng mga tinig na yon
wala na akong magawa
nanghihina na ako at nauubusan ng hininga
parang ang tagal niya dumating
kanina pa ko naghihintay
nararamdaman ko pa rin ang mga matitining nilang boses
tila may gusting sabihin, naghihintay ng tamang panahon
malakas ang mga tinig, hindi makawala
tila mga bilanggong hindi makawala
ngunit unti-unting tumatahimik
nawala na ang mga tinig
bakit? anong nangyari?
hanggang isang boses na lang ang aking naririnig
nangibabaw ang tinig sa buong sild



“Good Afternoon class”

tae! may prof na pala.

No comments:

Post a Comment