Sunday, November 7, 2010

SEMBREAK DAY22

Hmmm... SUNDAY :)

Today, mej busy ako.

BAHAY
I woke up ng mga 7.30AM sa relo naming 30 minutes advance, nagmamadali pa ko kasi 9AM kami magkikita kita sa Monumento bilang binyag ni Khloe dear :) at NINANG ako! WAHAHAHAHA :)) Ansaya lang, bakit ba?! HAHAHA

MONUMENTO STATION
Narealize ko ang hina ko talaga sa directions, kapag tinuturo lang, mavisual kasi ako eh, kelangan puntahan muna natin tapos nun alam ko na, hindi yung tinuro lang. Kaya kanina buti na lang nakita ako ni Mayel pagbaba ko sa station, kung hindi... deads =))))))))) Ewan ko kung san ako pupulutin, andami pa namang tao.

SAN JOSE PARISH
11AM yung binyag, bilang late kami sympre hindi kami 9AM nagkita kita, kunwari lang yun, so 10.45AM na kami dumating sa Church, oh but no ang pasaway na mommy Dots, wala pa! At si ate mong commentator, galit na! HAHAHAHA, pero nakakatawa sya magalit, yung tipong halata mong asar sya pero poker face. Baaaasta, at paulit ulit pa sya.

RECEPTION
Sympre todo kain kami, bilang takaw-tingin, nahirapan na naman ako ubusin yung kinuha ko. Ansaya lang. Kwento, kain, kulitin si Khloe, tawa (at ulitin ang nabanggit simula sa simula).

DENTIST
After reception, nag-LRT na kami, sa Tayuman ako bumaba with Pau, sya pauwing dorm, ako papuntang dentist! Nakakaloka talaga, sobrang daming pasyente ni Dra.!!! 3.45PM ako dumating dun, at sa list number 29 pa ko, mga 5.30 na yata naadjust yung braces ko! Napagod ako ng bongga

MASS
Well... ito ang bagay na hindi ko yata katatamaran (pero may times, at ipinagkumpesal ko na yun), hindi pa tapos ang Sunday kung hindi kami magmass ng 8PM! :)

As of the moment, katatapos ko lang kumain, nagsusulat nito habang nanonood ng Great Migrations sa Nat Geo. AYOS? :>

PS.

Galing talaga: Great Migrations ng Nat Geo! :)
From Google Images yung photo (as usual), I would like to get their FB photo for great migrations sana kaso hindi ko makita sa Google. Plus gusto ko manalooooo, kaso... anong shot ang isasubmit ko? Wala akong shot na worthy for Nat Geo, sobrang galing nung mga photos na kasali


P.P.S
Sana may picture akong hawak nung event kanina, kaso na kay Dots lahat, ipost ko if meron na. And na-touch ako sa SMS niya, sana hindi sya magalit na nasa world wide web ang msg niya...

"Mhe, thank you sa pagpunta. super blooming ka. Sana tumaba ka na talaga. If you want, get some of my taba. Haha. (private-stuff-I-can't-write-here) Mamimiss kita. :( ang dami kong wishes for you pero contradicting. Basta (same-private-stuff), magkita muna tayo. Ok? I love you"

Goodnight :)

No comments:

Post a Comment