Tuesday, April 12, 2011

BUM

Ilang araw na kong bum, kabilang sa milyong Pilipinong tinatawag na FRESH GRADUATES. Di na pwedeng sabihing, "bored ako, gusto ko pasukan na" dahil wala ka ng hinihintay na pasukan (maliban na lang kung balak mong mag graduate school agad) at ang summer na ito ay hindi na sem break o bakasyon, phase na ito na tinatawag na BUM LIFE. At dito tunay na nasusukat ang determinasyon mo sa buhay. Tunay na TAMAD na ang tawag sayo kung wala kang gagawin para mabago ang UNEMPLOYED status mo.


Ngunit naniniwala akong bawat isa ay may sariling diskarte sa buhay, maraming dahilan kung bakit marami pang unemployed sa mga panahong ito (nag-aapply lamang ang list para sa mga fresh graduates):
1. Ini-enjoy pa nila ang buhay bago magtrabaho, tipong last summer ang drama, swimming dito out-of-town doon, etc.


2. "Naghahanap na kaya ako ng trabaho" (online submission, interviews, walk-in)


3. "Tinatamad pa ko. Dito lang ako sa bahay, sa kwarto ko, I love my bed."


Technically, kasali yung three sa mga reasons and thank God, di three ang reason ko. HAHAHA. Siguro masasabi ko na andun ako sa 1 and 2. One, dahil plan kung umalis on June for two months (or it depends to those who have a higher power, meaning, mom and dad) and two dahil naghahanap ako ng work, yun nga lang for internship/workshop para di ako bum until June, at sympre dahil gusto ko rin maexperience magtrabaho at magamit ang mga natutunan ko for the past 4 years.


AND  WITH THAT EXPLANATION, MAPUNTA TAYO SA USAPANG INTERNSHIP/WORKSHOP:
Mahirap maghanap ng internship/workshop. Well, for workshop medyo madali lang. Mahirap maghanap ng internship kasi GRADUATE KA NA. Trabaho ang hinahanap ng isang graduate student hindi internship (except for doctors, I guess, di ko alam actually HAHA). Andami mong nakikitang wow, gusto ko 'to, ganyan, tapos sa fill up form, may nakalagay na "COURSE YOU'RE CURRENTLY ENROLLED" o di kaya naman "HOW MANY HOURS DO YOU NEED FOR YOUR OJT" o kaya "NAME OF THE PROF SUPERVISING YOU", etc. Anong isasagot ko sa kanila? Di naman pwede ang isang malaking "N/A". At makipagcompete ba sa mga third years na kailangan talaga ng internship?! Haaaaay, yun na lang nasabi ko


Sa workshop, medyo madali maghanap, gusto ko sana sa mga writing for news or TV or anything related to news in general. Madali maghanap ng mga ganyang workshop, pero syempre lahat babayaran. Eh wala nga akong trabaho, san ko kukunin ang pambayad? Sa magulang ko na naman? Oo nga pinayagan na ko magworkshop ngunit hindi ba mali na humingi pa ng extra pagkatapos nila ibigay ang lahat lahat sa loob ng apat na taon, sobra sobra pa nga. At isa pa, yung mga workshop, iba ang presyo kapag students at well, not students. Wala bang price para sa mga Fresh graduates at gusto pang matuto? HAHAHA, oh well...


Quadri Batch po ako! :)




Basta ngayon, go lang ako sa paghahanap ng internship, there's always a perfect place for everyone, I BELIEVE! :)

2 comments:

  1. BUMMERS ARE HOT! APIR** HAHAHA =))

    ReplyDelete
  2. HAHAHAHA, OO NGA NGUNIT SUBALIT DATAPWAT KAILANGAN NA NATING KUMITA =)))))

    ReplyDelete